What is Nostr?
dannybuntu
npub1r70…sf7d
2024-09-05 00:51:30

dannybuntu on Nostr: Ignorantia juris non excusat - Ignorance of the law excuses no one. May mga sekta ng ...

Ignorantia juris non excusat - Ignorance of the law excuses no one.

May mga sekta ng Kristiyanismo ang naniniwala, at meron din namang hindi naniniwala sa mga tinatawag na generational curses o mga pang henerasyon na sumpa.

May nakakilala na ba kayo, na kahit anong tulong ninyo ay pawa bang puro hindi maganda at madalas ay masama ang kinahihinatnan ng kanilang buong pamilya?

Sa tagal ng panahon, at sa aking pagtanda, namasid ko ang ganitong pangyayari.

Bilang isang Social Scientist, ang madalas na pragmatic na paliwanag ay poverty, o kahirapan, kakulangan ng edukasyon, lack of opportunity atbp.

Pero ang siyensya ay tumutukoy lamang sa mga bagay na naoobserbahan at nakikita.

Kung tayo'y dadako sa mga bagay na hindi nakikita, tayo'y maghunos-dili bago magsambit ng mga ganyang bagay.

Sa paglipas ng panahon, parang iyon nga ang aking nakikita. Nakakalungkot, lalo't pag dumadapo sa iyong mga tenga ang balitang may nangyari nanaman. Kung minsan parang inaasahan mo nang may mangyayari pa sa susunod na buwan at sa susunod pang muli.

Bilang Kristiyano, ano nga ba ang patunay nito sa Bibliya?

Exodo 20:5 "Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin"

Sa aking pagsaliksik - maaaring mapatid ang tanikalang dulot ng mga pampamilyang sumpa - at iyon lamang ay makakamit sa pamamagitan ng "repentance" o ang tunay na "pagsisisi" o "pagbabayad sala"

Mas nakakalungkot, habang nakikita mong patuloy yaong kawalan ng pagsisisi - lalo na sa mga taong hinihinala kong may pampamilyang sumpa.

Patuloy ang kanilang pamumuhay, at patuloy ang sumpa - bagkus ay patuloy din silang naghahanap ng kasagutan sa mga katanungang hindi nila malaman.

"Bakit ba ito nangyayari sa amin? --- parati"

Ang masakit, kung minsan, ang mga taong ito ang siya pang ayaw kumilala kay Hesus bilang tagapagligtas.

Ang nakikita nilang kaligtasan ay mga kung ano anong bagay.

"Pera, kaaliwang makamundo, sex, pakikiapid, kayamanan, luho, tsismis at iba pa."

Patuloy ang paghanap sa kamunduhan, ngunit hindi matukoy kung ano ang hinahanap...

Kumbaga sa lagnat - eto ang BIOGESIC!

Juan 3:16
"Sapagkat ganoon inibig ng Diyos ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."
Author Public Key
npub1r709glp0xx2zvgac45wswufjst5xgr7cear5a8me7x9vazhjzmksp2sf7d