Bitcoin ba kamo? on Nostr: Ang mga Bitcoin wallet ay pinapakitaan lang tayo ng mga Bitcoin address. Pero nasa ...
Ang mga Bitcoin wallet ay pinapakitaan lang tayo ng mga Bitcoin address. Pero nasa loob ng wallet ang iyong private key at public key. Sa simpleng Bitcoin address, ang dadaanan para mabuo ito ay:
Ang wallet ay bubuo ng seed --> Mabubuo mula sa seed ang private key --> mabubuo mula sa private key ang public key --> mabubuo mula sa public key ang Bitcoin address.
Kapag nagtatransaksyon, ang private key ang gamit para bumuo ng digital signature. Ang signature mo halimbawa, ang nagsasabing kay kumpare mo nga ipinapasa ang (permiso ng paggastos ng) Bitcoin. Ang public key mo naman ang nakikita ng wallet ng kumpare mo para iberipika ang digital signature. Ang pangyayaring ito ay hindi natin nakikita sa human interface ng wallet. Amount ng Bitcoin lang at address (minsan transaction id rin) ang kita natin.
Pero tandaan na nasa loob ng Bitcoin wallet mo ang private key. At kapag may nakaalam ng iyong mnemonic o seed phrase, maaaring manakaw nila ang iyong Bitcoin dahil gamit ang seed phrase, mabubuo nila sa ibang wallet ang iyong private key. May mga nuances pa rito, pero iyan ang simpleng explanasyon.