Bitcoin ba kamo? on Nostr: Pay-to-script Hash (P2SH) na Bitcoin Address Ito ay bunga ng paglalayong masuportahan ...
Pay-to-script Hash (P2SH) na Bitcoin Address
Ito ay bunga ng paglalayong masuportahan ang mga mas komplikadong transaksyon habang nakakatipid sa memoryang gamit. Ang pangunahing nagtulak dito ay ang pagkakaroon ng multi-sig (multiple signature) na scripts.
Ang script ay mga instruksyon sa computer programming. Ang direktang instruksyon na maaaring gastusin ang UTXO ng sinumang makakabigay ng tamang signature ay halimbawa ng script.
Ang multi-sig ay kung saan ang transaksyon ay nangangailangan ng M of N na signatures para maipatupad. Halimbawang gamit nito ay sa isang account ng kumpanya, na kailangan may lagda ng kahit ilan sa mga may-ari o pangunahing mga pinuno bago maglabas ng budget. Bigyan natin ng linaw ito sa susunod na mga kabanata. Basta sa madaling sabi, hindi ito praktikal kung lagi mong ipapagawa sa mga magbabayad sa inyo ang ganitong kondisyon. Mangangailangan sila ng espesyal na wallet ng Bitcoin, mas teknikal na kaalaman para sa komplikadong script, at bawat pagbabayad na transaksyon ay malaki ang data na ginagamit, na makakadagdag sa network bukod pa sa mas malaki rin ang fee.
Nakaisip ang mga Bitcoin developers ng paraan upang mas makatipid uli sa memorya. Iminungkahi iyon sa BIP-0016. Iyon ay sa halip na laging ilalagay ang kondisyon na M of N sa script ng bawat pagbabayad, ang hash lang ng script ang gagamitin ng magbabayad. At kailangan nalang patakbuhin ang M of N script na ito kapag gagastusin na ang laman ng wallet. Kaya ang komplikasyon at ang karagdagang fee ay nasa nagpakana na ng multi-sig na kondisyon. Tama lang naman.
Ang resulta, maaring ang script ang gawan ng Base58Check at magiging Bitcoin address. Kaya nagkaroon ng pay to script hash (P2SH) na mga wallet. Halintulad sa paggawa ng Bitcoin address mula sa public key ang paggawa ng address mula sa script.
Para sa ilustrasyon, basahin ang bagong post: https://bitcoinbakamo.xyz/archives/565
At para makita agad and pagkakaiba ng mga Bitcoin address, basahin ang Kabanata 4: https://bitcoinbakamo.xyz/aklat/kabanata-4-pagmamay-ari-ng-bitcoin-at-ang-wallets