What is Nostr?
Bitcoin ba kamo?
npub1svh…jk0z
2023-04-28 07:02:19

Bitcoin ba kamo? on Nostr: Digital na Pera - palagay ka ba sa estado nito ngayon? Sa panahon ngayon, nasasanay ...

Digital na Pera - palagay ka ba sa estado nito ngayon?

Sa panahon ngayon, nasasanay na rin naman ang mga tao sa digital na salapi, na parang wala na ring saysay ang mga denominasyon. Basta hangga’t dalawang decimal places ang pwede i-display na numero, dahil ang pinakamaliit na denominasyon ay 1 sentimo (na sa panahon ngayon, ay wala na ring pisikal na kaanyuan sa Pilipinas). Una may mga debit at credit cards na pinapadulas, sinusuot o itatapat nalang sa mga card readers. Malalaman mo nalang sa kompyuter o smart phone mo kung magkano pa laman ng account mo (o mas malala, magkano naging utang mo dahil sa paggamit ng credit card). Dahil sa online banking at e-wallets, kahit hindi na rin gamitin ang mga plastik na cards na yan.

Pero makalimot man tayo, nanatiling representasyon ng pisikal na salapi ang mga numerong nakasaad sa ating account sa bangko. At kung gustuhin natin, dapat ay makukuha ang nasasalat na anyo ng pera mula sa bangko pag nag-withdraw. (Dapat ha, pero ibang usapan pa ang ginagawa ng mga bangko na “fractional reserve.”)

Paano kung ang salapi ay purong electronic? Paano mo pagkakatiwalaan ang numerong nakikita sa iyong digital na pitaka? Maaaring nakaranas ka na ng transaksyon na hindi tumuloy. Kailangan mo pa ireklamo sa bangko para mabalik ang pera mo. At paminsan-minsan nakakarinig pa ng balita ng mga hacking sa bangko.

-----

Ang paksang ito ay napapaloob sa ikalawang kabanata ng https://bitcoinbakamo.xyz/aklat

Magbigay ng komento kung gusto mong makatulong bigyan ng edukasyon ang mga Pinoy ukol sa Bitcoin.
Author Public Key
npub1svhmr7l49zyyn0dh8s0wla9f8thtghp6le5kd7wymj5sjrz2kzmsrejk0z