Bitcoin ba kamo? on Nostr: Transaksyon sa Bitcoin - Pasilip Ang pinakaunang transaksyon sa bitcoin network, ay ...
Transaksyon sa Bitcoin - Pasilip
Ang pinakaunang transaksyon sa bitcoin network, ay ang pagbuo ng unang mga bitcoin (unang pagmimina). Lahat ng bagong bitcoin ay nabubuo sa isang espesyal na transaksyon na tinatawag na coinbase transaction. Ipapaliwanag pa natin ito sa mga susunod na kabanata.
Bukod sa coinbase transaction, lahat ng pasahang nagaganap ay mga normal na transaksyon. At ang transaksyong nakasaad na para sayo ang pinakamahalaga, dahil iyon ang bitcoin mo. Napaliwanag na sa naunang post na nananatiling nasa blockchain lang ang bitcoin. Pinagpapasa-pasahan lang ang permiso ng paggastos ng iba-ibang halaga.
Pag magbabayad o mamimigay ka ng bitcoin sa iba, pipirmahan ng iyong private key ang mensahe na nagsasabing pinapasa ang isang halaga ng bitcoin para sa iba. Ito ay gumagamit ng hash (isang mahika ng matematika!) ng: naunang transaksyon + public key ng bagong may-ari. Saka naman ito pipirmahan ng private key mo. Yung kabuuang iyon ang transaksyon. Mapapatunayan ng iba na totoo ang transaksyong ito gamit naman ang iyong public key. Tapos, mapapabilang na ito sa isang block na ipapakalat sa network na idadagdag sa blockchain. Ganito ang nangyari sa mga naunang transaksyon bago makarating sayo.
Nasaan na ang bitcoin address na pinagpasahan mo? Ito ay ginawang representasyon lamang ng digital wallet, para hindi makita ng nagpapasahang mga tao ang public key ng isa’t-isa. (At para na rin maunawaan natin ang nagaganap.)
-----
Ang post na ito kasama ang ilustrasyon ay makikita sa https://bitcoinbakamo.xyz/archives/159
Mag comment lang pag tingin mo ay may maiaambag kang kaalaman at paglilinaw. Kitakits sa ika-21.