Bitcoin ba kamo? on Nostr: SegWit Address para sa Luma (P2WSH) at mas Bagong SegWit (P2TR) Address Tapusin natin ...
SegWit Address para sa Luma (P2WSH) at mas Bagong SegWit (P2TR) Address
Tapusin natin ang usapang uri ng Bitcoin wallet address sa 2 pa:
Nested segwit (P2SH-P2WPKH)
Ito ay nanggaling sa pangangailangan na ang mas bagong wallet na may kakayahan ng SegWit ay makatanggap pa rin ng Bitcoin mula sa lumang wallet na hindi pa alam ang SegWit. Sa ganitong pangangailangan, ang isang bagong wallet ay gagawa ng address na P2SH - pwedeng nakapaloob sa P2SH ay P2WPKH o kaya naman P2WSH. Para hindi magkalituhan, inirekomenda sa BIP-0049 ang pagdadaanan ng pagkuha ng address ng nested SegWit.
Pay to taproot (P2TR)
Ito ay ikalawa, pero sa computer programming ay Version 1 ng SegWit, at may kalakip na pagbabago sa consensus. Gaya ng implementasyon ng SegWit, ang implementasyon ng taproot ay nagdulot ng soft fork sa Bitcoin protocol, nasasaad sa BIP-0341.
Kasama sa pagbabago ay ang paggamit ng Taproot, Schnorr signatures at Merkle branches. Ipagpapaliban muna natin ang diskusyon ng mga ito. Basta, ang resulta ng mga ito ay mas pinaigting na privacy at nagdagdag ng efficiency at flexibility sa mga scripts na ginagamit.
Sa halimbawang address na: bc1pveaamy78cq5hvl74zmfw52fxyjun3lh7lgt44j03ygx02zyk8lesgk06f6 mapapansin mong yung ikaapat na karakter ay “p” na sa Base 32 ng Bitcoin wallet software ay tumutukoy sa 1 - kasi nga version 1 ito ng SegWit.
Matapos malaman ang iba-ibang Bitcoin address, susunod nating pag-uusapan ay mas malalim na pag-intindi sa wallet.