What is Nostr?
Bitcoin ba kamo?
npub1svh…jk0z
2023-11-21 02:36:42

Bitcoin ba kamo? on Nostr: Discrete Logarithm - painit muna bago ang ECDSA Ang elliptic curve digital signature ...

Discrete Logarithm - painit muna bago ang ECDSA

Ang elliptic curve digital signature algorithm (ECDSA) ay hango sa elliptic curve cryptography, na syempre galing sa elliptic curve mathematics. Subalit wala ito halos kinalaman sa ellipse. Ha? Maglatag muna tayo uli ng mga konsepto ng matematika.

Discrete Logarithm Problem

Nabanggit sa umpisa ng usapan sa public-key cryptography na base sa integer factorization problem ang mga gamit na iskema. May isa pang problema na pwedeng gawan ng mahirap na halimbawa, na syang sinasamantala sa kriptograpiya: Discrete logarithm problem (DLP).

Sa logarithm na ipinapakitang ganito: log (base P) Q = k (logarithm of Q to the base P is equal to k), ang Q ay ang numero na resulta kapag ang P ay ini-multiply sa sarili nya ng k na beses. Q = PxPxP…xP (k na beses). Kaya ang logarithm ay kabaliktaran ng exponential equation: P^k = Q (P to the power of k is equal to Q). Naaalala mo pa ba ito?

Ang DLP ay ang paghahanap ng k, kapag ang alam na impormasyon ay ang Q at P. Mahirap itong gawin sa malalaking numero dahil trial-and-error ang paraan.

Ngayon, sa discrete logarithm, ang multiplication ay maaring ibang operasyon, gaya ng addition ng integers sa isang cyclic group. Kaya ang k, sa halip na exponent o power, ay magiging numero na kung ilang beses ginawa ang addition ng P sa sarili nito.

Q = P+P+P+…+P (k na beses)Q = [k]P

Teka, mas madali ang addition sa multiplication, hindi ba? Sa nakagawiang arithmetic, tama ka dyan. Pero ang konsepto ay makahanap ng operasyon na mahirap gawin. Sa grupong pinili sa elliptic curve cryptography, ang tinatawag na ‘addition’ ay komplikado ang pamamaraan.

Ipagpatuloy ang pagbasa sa bagong post: https://bitcoinbakamo.xyz/archives/448
Author Public Key
npub1svhmr7l49zyyn0dh8s0wla9f8thtghp6le5kd7wymj5sjrz2kzmsrejk0z