Bitcoin ba kamo? on Nostr: Introduksyon sa Networks: Network Topology Bilang panimulang usapan sa konsepto ng ...
Introduksyon sa Networks: Network Topology
Bilang panimulang usapan sa konsepto ng networks, pag-usapan natin ang topology. Ang topology ay ang pagkakaayos ng mga koneksyon ng devices sa network.
Mabilisang pagkukumpara ng Network Topology
Star - ang pag transfer ng data ay dumadaan sa isang central na device, kung saan may kanya-kanyang koneksyon ang bawat kasapi ng network.
Bus - ang mga device ay nakakonekta sa isang cable na tinatawag na bus. At dito lahat ng impormasyon ay nakikidaan parang pagsakay at baba sa tren.
Mesh - Ang bawat device ay nakakonekta sa isa’t isa. Sa tunay na buhay, lalo na kung malaki ang network, partial mesh lang ang topology. Kung saan sa iilan lang konektado ang mga devices, hindi sa lahat. Ganito ang Internet, kung saan naka mesh/partial mesh ang mga routers sa iba-ibang panig ng mundo.
Ring - Paikot ang Koneksyon ng mga devices, kung saan bawat isa ay nakakonekta sa dalawa pa. Sa ganito, ang direksiyon ng impormasyon ay paikot.
Infrastructure - ito ay kombinasyon ng wired at wireless. Ang mga wired ay parang star topology ang pagkakaayos na may central device. Tapos isa sa mga nakakonekta dito ay ang wireless access point na kung saan kokonekta ang ibang devices.
Ad Hoc - ito ay simpleng wireless topology kung saan ang mga devices ay nakakonekta sa isa’t isa gamit ang wireless na feature ng bawat device.
Wireless Mesh - ito ay kapag maraming wireless access points na naka konekta sa isa’t isa. Ang isang access point ay konektado sa modem at switch ng wired. Samantalang ang ibang access points naman ay nakasaksak lang sa power supply. Magpapasahan ang mga wireless access points para matunton ang koneksyon sa internet. Tapos, lahat na ng devices ay kokonekta sa mga wireless access points na malapit sa kanila.
Dahil ang Bitcoin Network ay nakikisakay sa internet, ang topology nito ay Mesh. Ang malalaking peer-to-peer networks na nakadepende sa Internet ay masasabi nating naka Mesh topology.
Tignan ang kabuuan ng diskusyon at mga ilustrasyon sa Kabanata 6 (https://bitcoinbakamo.xyz/aklat/kabanata-6-ang-pagpili-ng-peer-to-peer-na-network) na kakalathala lang nung isang buwan.