What is Nostr?
Bitcoin ba kamo?
npub1svh…jk0z
2024-12-10 02:21:54

Bitcoin ba kamo? on Nostr: Transaction Fees: 2 Pananaw Nabanggit na ang libreng transaksyon ay hindi na halos ...

Transaction Fees: 2 Pananaw

Nabanggit na ang libreng transaksyon ay hindi na halos natatanggap ng mga miners. Supply at demand lang ang nagdidikta dito - mas marami nang kasali sa Bitcoin network eh. Kaya ang mga wallets ngayon ay may mekanismo nang pinapatupad sa pagkalkula ng transaction fee. Ito ay automatic na, at makakapili rin ang manggagamit kung mababa o mataas na fee ba ang ibibigay.

Ang mga transaksyon na hindi pa sinasama sa block ay nasa mempool. Ito ay ginagamit na memorya ng Bitcoin node na nagbabagu-bago ang laki dahil sa dagdag-bawas ng kandidatong transaksyon, parang UTXO set.
Sa website na ito: https://bitcoinfees.net/, ipinapakita ang pagtatantsa ng mga fees na satoshi/vbyte. Sinasabi rin kung gaano katagal mo aasahang tanggapin ng mga miners ang transaksyon depende sa halaga. Kapag sobrang baba, baka hindi na! Tandaan na ang pagkalkula ng wallet app ng fee ay depende sa laki ng data ng transaksyon, hindi sa laki ng halaga ng Bitcoin. Kaya ang mga komplikadong script, kahit maliit na Bitcoin lang ang usapan, ay malaki ang kakaining data. O kaya naman ang mga transaksyon na lilikom ng maliliit na Bitcoin sa maraming UTXO para sa input, ay gagamit ng mas malaking data kesa sa isang UTXO lang pero malaki naman ang halaga ng Bitcoin.

Ano ang vbyte? Ito ay virtual byte. Nagkaroon ng komplikasyon sa pagkalkula ng laki ng block dahil sa SegWit soft fork. Ayos lang, dumami naman kapasidad ng block eh. Dati, satoshi/byte ang pinapakitang pagtantsa ng mga fees. Pero ang binagong pagkalkula ng kapasidad ng block ay nagresulta sa pagkakaroon ng depinisyon ng virtual transaction size, kaya nagkaroon na ng unit na virtual byte. Basahin ang mga naturang depinisyon sa BIP-0141.

Uulitin lang natin na ang transaction fee sa mata ng miners ay diperensya ng lahat ng halaga ng Bitcoin sa inputs, at sa outputs (Unang pananaw). Kasi sa pinapasang data ng transaksyon, walang pagsasaad ng fee sa input o output. Pansinin uli sa mga ilustrasyon:
https://bitcoinbakamo.xyz/archives/674
Kaya ang mga wallet ay may sariling algorithm para sa nais mong fee, para lang sa pagkakaintindi mo (Ikalawang pananaw). Pero ang ipapasa lang talagang data ay kandidatong transaksyon na may halaga ng bagong UTXO na sinisiguradong mas maliit kesa sa halaga ng tinatawag na UTXO sa input.
Author Public Key
npub1svhmr7l49zyyn0dh8s0wla9f8thtghp6le5kd7wymj5sjrz2kzmsrejk0z